Cagayan de Oro

Cagayan de Oro na sa opisyal na pangalan ay Cagayan de Oro City o Lungsod ng Cagayan de Oro ay isa sa pinakamaunlad na syudad sa Hilagang parte ng Mindanao. Ayon sa sensus noon 2015 may 675,950 bilang ng tao ang nasa Cagayan de Oro na nagpabilang nito na pangsampu sa pinakamataas na populasyon. Ito ang syudad at kapital ng probinsya ng Misamis Oriental kung saan ang pamamahala ay nakahiwalay sa pamahalaan ng probinsya. Dito rin ang rehiyonal na palitan ng mga kalakal bilang parte ng lumalagong Metropolitan Cagayan de Oro, kasama ang syudad ng El Salvador, at mga lugar ng Opol, Alubijid, Laguidingan, Gitagum sa kanlurang bahagi, at lugar ng Tagoloan, Villanueva, Jasaan, Claveria sa silangang bahagi naman.

Ang syudad ng Cagayan de Oro ay naka himlay sa north central coast ng mga isla ng Mindanao na nakaharap sa Macajalar Bay at pinapalibutan nga munisipyo nga Opol sa kanluran at munisipyo ng Tagoloan sa silangan, at probinsya ng Bukidnon at Lanao del Norte sa timog ng syudad.

Kilala ang syudad ng Cagayan de Oro dahil sa white water rafting o Kayakang Adventures ito sa Ilog ng syudad na isa sa dinarayo ng mga turista.

Ang pangalang Cagayan de Oro ay nangangahulugan din na ilog ng ginto, ay matatagpuan simula pa noong panahon ng Augustian Recollect Friars na mga kastila sa taong 1622, sa lugar na nakapalibot sa Himologan na ngayon ay huluga ay kilala na bilang Cagayan. Ang mga dokumentong naisulat ng mga sinaunang kastila ay tinatawag na ang lugar na Cagayan. May iba ring lugar sa Pilipinas na ginagamit ang pangalang Cagayan ka gaya ng Cagayan sa hilagang Luzon, mga isla ng Cagayan sa karagatan ng Hilagang Sulu at ang isla ng Mapun sa Tawi-Tawi na noon ay kilala bilang Cagayan de Sulu.

ang kabuuang sukat ng lugar ay 488.86 kwadrado kilometro, 13.9 pursyento ng buong sukat ng probinsya ng Misamis Oriental. Kasama na dito ang 25 kilometrong tabing dagat, Macajalar Bay. 44.7 pursyento ng Cagayan de Oro ay lupang sakahan, samantalang 38.4 naman ang bakanteng lupain.

Hindi pareho ang datus ng ulan sa lugar ng Cagayan de Oro sa isang taon. Ang pinakamainit ng buwan ay buwan ng Marso at Abril samantalang Agosto at septyembre naman ang pinakamaulan.

Sa gabi ng Desyembre 16-17, 2011, ang bagyong Sendong (Washi) ay nag dulot ng malakas na pag baha sa Hilagang Mindanao kung saan marami ang namatay na nakatira sa lupaing malapit sa ilog at marami rin ang mga nawala.

Ayon sa mga opisyal ng pamahalaan ng Cagayan de Oro, kahit gaanong babala nila sa mga tao, ayaw ng mga itong magsilikas sa kanilang mga tirahan. Lima ang namatay dahil sa landslide ngunit karamihan sa mga nasawi ay dahil sa malakas at mataas na lebel ng tubig bunga ng 10 oras na walang hinto ng pagbugso ng ulan. Marami sa mga biktima ng sakunang ito ay mahimbing na natutulog at hindi na namalayan ang patuloy na pagtaas ng tubig at walang hinting buhos ng ulan. Mahigit 2000 ang na rescue ayon sa Armed Forces of the Philippines, 20,000 ang nasa 10 evacuation centers. 1, 268 ang naitalang nasawi dahil sa bagyong Sendong

Hotel at Cagayan de Oro City

agoda-partner-site-verification: AgodaPartnerVerification.html

Comments

Copied title and URL